UP SPECA Speech Cup Ticket Online Reservation Form
Inihahandog ng UP SPECA : University of the Philippines Speech Communication Association ang

SPEECH CUP 2017:
Badhi: Kung Hindi Tayo, Sino?
Pebrero 18, 2017 (Sabado)
Cine Adarna, UPFI Film Center, UP Diliman
11:30AM - 6PM

Tunghayan ang tagisan ng galing sa oral na interpretasyon at sabayang pagbigkas ng mga mag-aaral mula sa iba't ibang dako ng bansa tampok ang mga piyesang gumugunita sa nakaraan at magsisilbing inspirasyon sa kinabukasan.

200 Php - UP students
250 Php - Regular price
280 Php - Door price

Halina't tuklasin ang kapangyarihang taglay ng boses ng bawat kabataang Pilipino!

------------------------
Polisiyang Pangteatro

1. Magbubukas ang teatro sa ganap na ika-11:30 ng umaga.

2. Samantala, ang programa ay magsisimula sa ganap na 11:45 ng umaga.
PAALALA: Ang mga manunuod na mahuhuli sa takdang oras ng pagbubukas ng teatro ay hindi maaaring makapasok hanggang sa oras ng intermisyon ng programa. Alalahanin ang oras na nakasaad sa tiket at piliting dumating labing-limang minuto bago ang nasabing oras.

3. Mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa loob ng tanghalan.

4.Mahigpit na ipinagbabawal ang  Ang pagkain ay mahigpit na ipinagbabawal sa loob ng teatro.

5. Ang pagkuha ng bidyo at litrato gamit ang camerang may flash ay mahigpit ding ipinagbabawal habang isinasagawa ang programa. Ang mga lalabag ay maaring palabasin sa teatro nang hindi ibinabalik ang kanilang bayad.  

6. May karapatan ang mga punong-abala na huwag papasukin ang mga manunuod na hindi dadaan sa inspeksyong pangseguridad.

7. Ang paggala sa loob at labas ng teatro habang isinasagawa ang programa ay hindi pinahihintulutan.  

8. Samantala, ang pagpasok o paglabas sa teatro sa pag-itan ng mga pagtatanghal ay hindi rin pinahihintulutan. Ito ay maaari lamang gawin bago o matapos ang bawat pagtatanghal.

9. Upang maiwasan ang anumang uri ng distruksyon, hindi pinahihintulutan ang pagpalakpak habang may nagtatanghal sa entablado.

10. Ang pagdadala ng valid I.D. ay kinakailangan upang makuha ang mga inireserbang tiket.

11. Ang mga inireserbang tiket na hindi makukuha bago mag-alauna ng hapon ay hindi na maaring i-claim ng mga nagpareserba nito. Bagkus, ang mga tiket na ito ay mabibigyang halaga katumbas ng sa DOOR PRICE TICKET.

12. Ang mga tiket na nabayaran na ay hindi na maaaring papalitan o i-refund.


Sign in to Google to save your progress. Learn more
Email *
Full Name *
Contact Number *
Next
Clear form
Never submit passwords through Google Forms.
This content is neither created nor endorsed by Google. Report Abuse - Terms of Service - Privacy Policy